Friday, November 8, 2013

ni Sharina Anne Colina

Nagsimulang mag asam ng pagbabago
Para daw sa mga tao.
Ngunit ano nga ba ang layunin
Nang namumunong ang kapangyarihan ay kaya siyang lamunin?

O bakit? O bakit?
Ang aking tanong na sana’y sa’yo ay umalintana
Akala ko lahat ay maaayos at magiging maganda
Ang iyong mga pinangako ay nasaan na?

Pagbabagong naudlot at nabulok
Dahil sa lipunan na makasarili at hayok.
Pagtitiwala ay sinira at nawala
Oo nga pala! Sarili muna bago ang iba.

Ang pagbabago pala ay hindi palaging maganda
Paano nga ba magiging maganda,
Kung hanggang ngayon ay hindi ko madama?