Sunday, December 8, 2013

Manhid na nga ba?

Ni Rose Anne G. Montoya

“Wala ka bang napapansin... Sa iyong mga kapaligiran?”
Narinig mo na bang ang awiting ito? 

Kung hindi pa ito’y karapat-dapat mong pakinggan at bigyang -pansin.
Maaaring paulit-ulit mo nang napapakinggan sa mga radio o telebisyon ang kantang ito, ngunit bakit binabaliwa mo lamang? Pasok sa tenga labas naman sa kabila. Nagbingi-bingihan at nagbubulagbulagan sa ipinaparating ng kantang ito. Ganun ka na ba talaga kamanhid?
Sa mga linya ng kantang ito ang mawawari mo na ang nais nitong ipahiwatig 

Malasakit.
Isang salitang marahil ay alam mo, ngunit ni minsan ay di mo man lang nagawa para sa inang kalikasan. 
Libong delubyo na ang dumaan na kumitil  sa samu’t saring buhay na ang ilan ay maaaring isa sa iyong minahal. Ngunit tila wala pa ka pa ding ginagawa. Nakatulala sa kawalang walang patutunguhan kundi pagkasira ng mundong nagmalasakit sa isang katulad mo.

Pansinin mo ang ating kalikasan, naghihingalo na at sumisigaw ng “saklolo.”
Alam mo bang butas na ang ozone layer? Na sanhi ng global warming at climate change. Nadadalas na din ang pag-bisitahin ng mga bagyo at pagguho ng lupa. Nalulusaw na din ang yelo sa antartica na sanhi nang pagtaas ng lebel ng tubig-dagat. Ito’y ilan lamang sa mga delubyong pumipinsala dahil sa kapabayan ng bawat isang nilalang ng mundo.

Ano na?! Pagkatapos mong gamitin, pagtapos kang pagsilbihan at tugunan lahat ng iyong pangangailangn ito lang ang iyong igaganti? Pinabayaan mo na, nilapastangan mo pa! At patuloy mo pang sinisira at binababuy. 

Isipin mo ito.
Kung ikaw ba ang mundo at ikaw ang pabayaan, lapastanganin, babuyin, sirain at ni isa ay walang magalaga o magmalasakit man lang, ano ang iyong mararamdaman? Paniguradong ika’y masasaktan at wala kang magagawa kundi maghintay nang sasaklolo hanggang sa ikaw na lang ay isang abo.
   
Hihintayin mo pa bang maging abo ang mundo? Hihintayin mo pa bang tuluyang magunaw ito? Huwag kang maging mahid! Gumising ka at imulat ang iyong mga mata. Buksan ang saradong puso’t tenga. Kilos na!

More on Filipino: