ABaKaDa
ALUMANA (pr.) – Pansin;salitang karaniwang ginagamit sa diwang pagtanggi at pinangungunahan ng hindi.
BARAT (png.) – Taong palatawad upang makabili nang mura
KALIGRAPO (png.) – Tagasulat-kamay; sistema ng sulat-kamay
DARAG (png.) – Malalakas na padyak ng paa na sadyang ginagawa nang biglaan at ginagamit na panakot o pagpapahiwatig ng pagtatampo o pagtutol
EKOLOKWA (png.) – Salitang nagpapahiwatig ng kasiyahan at halos katumbas ng ganyan, tama o ganyan nga ng isang nagmamanman
GAYAT (png.) – Paghiwa o pagpipiraso nang pino at maliit sa pamamagitan ng patalim
HAWAN (pr.) – Walang sukal, malinis na, walang nakasangga, aliwalas
ITATWA (pd.) – Huwag kilalanin
LANTUTAY (png.) – Pagkapabaya; katamaran; kawalang pakundangan
MAGPARUNGGIT (pd.) – Magsalita ng mga bagay na hindi masabi nang tuwiran sa kinauukulan
NARKOTIKO (png.) – Sustansyang karaniwang nasa gamot o droga na nagpapaantok, nagpapahupa ng kirot at nagiging sanhi ng ganap na pagkawala ng pandamdam
NGAS-NGAS (png.) – Pagsasalitang nagpapahiwatig ng galit, tampo na kung minsan ay sinasaliwan pa ng mga pagkumpas ng kamay
ORGULYOSO (pr.) – Mapagmalaki, mapagmataas, palalo
PABORABLE (pr.) – Nakapagbibigay ng tulong, kalamangan, kapakinabangan o kaginhawaan
RAYOS (png.) – Sangkap ng gulong kung ito ay hindi buo na yari sa kahoy o sa kansa
SAGMAW (png.) – Pagkain ng baboy
TARIPA (png.) – Talaan ng mga halagang dapat ibayad sa pagbili, sa pag-upa, sa pagmulta
ULYABID (png.) – Maliliit na bulati sa tiyan ng tao o hayop
WANGIS (png.) – Pagkakatulad o pagkakahawig sa isang tao
YANO (pr.) - Karaniwan; katamtaman; walang palamuti