Ang Makulay na Sayawan
ni Regina Antonio
Isa sa mga pinakamasaya at inaabangan na selebrasyon at patimpalak na idinaraos ng St. Dominic College of Asia (SDCA) ang “Kulayawan”, hango ito sa mga salitang “makulay na sayawan” kung saan ay taon taong isinasabuhay ang iba’t ibang kultura ng mga bansa sa Asya sa pamamagitan ng pagsasayaw at makukulay na kasuotan.
Ito ay isang patimpalak kung saan ay may musikang kailangang gamitin at lapatan ng sayaw na angkop sa tema ng bawat taon. Ang mga kalahok ay dapat may nabuong grupo na hindi lalamang sa 15 miyembro at dapat sila ay kumukuha ng Physical Education. Layunin nitong maipakita ang pagkamalikhain sa pagbuo ng sayaw at ipamalas ang talento ng bawat kalahok.
Ang pagbuo sa Kulayawan ay pinangunahan ni G. Jonathan V. Sta. Ana, tagapamahala ng DSAS.Nagsimula ng patimpalak na ito noong 2012 na may konseptong hango sa Pista ng Masskara ng lungsod ng Bacolod. Sa ikalawang taon ng Kulayawan, ginamit naman ang konsepto ng Pista ng Wagayway sa bayan ng Imus. Sa pakikiisa ng SDCA sa Asya, sa pangatlong kulayawan ay isinabuhay ang kultura ng mga Koreano at nabuo ang temang Korean Fan Dance, noong taong 2012. Nilapatan naman ng temang “Indian Bollywood” ang Kulayawan ngayong taon, 2013.
Ang mga nagawagi sa taong 2010 ay mga mag aaral mula sa BSHM- IA At BSHM-IC, pumangalawa nman ang BSN IB at nagwagi rin ng Best in Costume, pumangatlo naman ang BSHM IA. Sa taong 2011 naman itinanghal na kampeon at tinaguriang “Best in Costume” ang BSN-IB at BSN-IC, nasa ikalawang pwesto naman ng mga mag-aaral mula sa BSN-IA at nasa ikatlong pwesto naman ang ABMA/ABCOMM/BSEED. Sa ikaapat na taon, 2012 ay itinanghal na kampeon at Best in Costume ang mga mag aaral mula sa BSA-IA, pumanglawa naman ang BSIT-IA, BSN-IA ang pangatlo, sumunod ang ABCOM-IA sa ikaapat na pwesto at nasa ikalimang pwesto naman ang BSEED-IA. Ngayong taon , muling ipinamalas bg BSA-IA na karapat dapat nila na makamit ulit ang kampyonato at ang titulong Best in Costume, sumunod naman ang BSPSY-IA, pangalwa ang ABMMA-IA at nasa huling pwesto ang BMLS-IA.
Ang kulayawan ay taunang ginaganap SM Bacoor Event Center. Ngayong taon, patuloy na pinaplano ang ika-limang Kulayawan na inaasahang muling magiging makulay at magsisilbing magandang karanasan sa bawat mga mag aaral sa loob ng pananatili nila sa kolehiyo.