Sa Tuwid na Landas
ni Raguel Ross Dragon
Iba’t ibang lengwahe sa bawat lugar, mga diyalekto na tila likas lamang sa mga pook at bayan. Ngunit tila iisa lang ang kanilang winiwika. Patuloy tayo naghahangad ng pagababgo tungo sa pag unlad at pagkakaisa. Subalit, dito nga ba patungo ang landas natin?
Ang ating bansa ay binibuo ng napakaraming pulo kung saan milyun-milyong Pilpino ang naninirahan. Bawat isa sa kanila ay may ipinaglalaban at isinisigaw. Iba- iba man ang diyalekto ay tila nagbubuklod- buklod sila dahil taglay nila ang pinakamakapangyarihang sandata, ang wika. Dahil dito ay nasasabi ng ating mga kababayan ang kanilang hinaing. Ito rin ang dahilan kung bakit tayo ay nakalpas sa mga mananakop na dayuhan.
Sa panahon natin ngayon kung saan lantad na ang mga katiwalian, laganap na ang mga krimen at tila walang tigil na kaguluhan, masasabi ba natin na susi pa rin ang wika para masulusyonan ito?
Narinig kong ginamit ng mga pulitiko ang wika, pinapangako nila sa taong bayan ang pag unlad at iba pang proyekto na magpapaganda sa ating bansa. Ngunit, noong maihalal sila ay tila tikom ang kanilang mga bibig tuwing itatanong ng ating mga kababayan kung anong nangyari sa kanilang mga ipinangako.
Nakatutuwa namang malaman na pati ang mga kabataan ay mapagmahal sa wika dahil sa ipinagmamalaki nila ito sa mga “networking sites”, subalit kapansin-pansin ang tila pag iba nila dito at kakaibang paraan kung paano nila ito isinusulat. Masakit isipin na ang dating susi sa paglaya at tila nawalang nga halaga bigla at pilit pinapalitan kasabay ng mabilis na pagpalit ng panahon.
Nasaan na ang pagmamahal sa bayan na iwinika ng ating pambansang bayani? Marahil tayo ay mga malalansang isda sa paningin niya.
Nakakamangha rin ang mga edukador at mga propesor na nag- iingles, tila napakatalino nilang pakinggan. Ngunit naisip ba nilang Filipino ang ating pamabansang wika tuwing kakausapin nila ang taong bayan. Basehan na ba ng katalinuhan ang pakikipagtalstasan sa Ingles at kung hindi ka makasabay dito ay tila lalagpak ka.
Pilipino! Tignan mo ang iyong wika, tila inalipusta at ipagkanulo ng sarili niyang tagapagsalita. Marahil ay nakalimutan na ang ating wika at napabayaan na. Ang iba pa sa atin ay ginagamit ito sa kasamaan na talagang nakalulungkot.
Bilang pagtatapos, nais kong malaman sa sarili kong kababayan kung mahalaga pa sa kanila ang wika na kanilang kinagisnan at kung ano ang itinuturing nilang wika. Sana ay wikang Filipino pa rin ang sinasambit nila hanggang sa muli ulit tayong makalaya sa mga bagay na nang –aalipin sa ating bansa.